Regina Alcantara
Mika Palileo
Muling nagbabalik sa Timog Silangang Asya ang Beyond 2020, matapos ang ilang sustainable engagements sa Indonesia at Cambodia. Ang pinakabagong deployment ng Beyond 2020 ay magpapabuti ng kabuhayan ng 18,000 Pilipino sa pamamagitan ng pag-ayos ng kanilang access sa tubig at pagbawas ng binabayaran para sa tubig ng halos 85%. Apat na hydraulic ram pumps at 13 kiosks ang makakabuti sa pamumuhay ng 3,000 residente sa barangay Cabagnaan sa Negros Occidental at ng 15,000 residente sa 14 na barangay sa Altavista sa Leyte.
Ang ginamit na innovative technology ay enhancement ng isang sistema na higit 240 taon na at nagdadala ng tubig sa kabundukan nang hindi gumagamit ng kuryente o panggatong at hindi nagbubuga ng harmful gasses.
Ang Beyond 2020 ay inilunsad ng Zayed Sustainability Prize, kabalikat ng iba’t ibang organisasyon, upang maibahagi ang humanitarian legacy ng founding father ng UAE, ang yumaong Sheikh Zayed bi Sultan Al Nahyan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbigay ng mga sustainable na teknolohiya at solusyon sa mga nangangailangang komunidad sa buong mundo. Ang Pilipinas ang ikasampung deployment ng Beyond 2020, na tumutugon sa ilang mga mahahalagang sustainable development challenges, gaya ng quality healthcare, masustansyang pagkain, essential energy, and access sa malinis na tubig na pang-inom at pang-sanitasyon.
Wika ni H.E. Mohammed Obaid Al Zaabi, UAE Ambassador sa Pilipinas, “Bilang isang wide-reaching humanitarian initiative na pinamumunuan ng pamahalaan ng UAE at ng kanilang maalam na pamumuno para sa long-term socio-economic impact, ang pag-deploy ng Beyond 2020 sa Pilipinas ay nagbibigay ng innovative water technology solutions sa mga beneficiary community, at mapapabuti ng mga ito ang kalusugan at wellbeing ng mga residente. Magdudulot ang mga ito ng mas maginhawa at mas ligtas na pamumuhay.”
Dagdag pa niya, “Parehong minimithi ng UAE at ng Pilipinas ang masagana at sustainable na kinabukasan para sa kanilang mga mamamayan, alinsunod sa UN Sustainable Development Goals. Bukod pa rito, ang proyektong ito ay nagko-complement sa close bilateral relations ng dalawang bansa. Ang pagtugon sa water scarcity bilang central human right ay sumabay sa paglunsad ng UAE Principles of the 50th na nagpapalago ng socio-economic growth sa pamamagitan ng humanitarian aid. Ito ay isang mahalagang prinsipyo na itinanim sa aming pananaw at pamana sa amin ng aming founding father, ang yumaong Sheikh Zayed.
Pareho ang mga suliranin ng mga komunidad ng Cabagnaan at Altavista, kahit na ang mga barangay na ito ay nasa dalawang magkaibang pulo. Kinakailangang mag-igib ng tubig mula sa isang pinagkukunan na nasa mas mababang lugar. Ang deployment para dawalang barangay ay gumagamit ng holistic ram pump water system na binuo ng Alternative Indigenous Development Foundation, Inc. (AIDFI), isang 2020 Zayed Sustainability Prize finalist sa ‘Water’ category.
Ayon kay Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn M. Quintana, “Nagagalak kami na makita ang pagdala ng Beyond2020 initiative ng mga essential, environmentally-friendly, at life-changing na solusyon. Ang reach at impact ng teknolohiyang ito ay sumusuporta sa layunin ng pamahalaan ng Pilipinas na mapabuti ang mga serbisyong pampubliko at kalusugan ng ating mga kababayan, at ang tubig ay mahalaga para sa social welfare at sustainabile development.”
“Nakakatiyak kami na ang mobilization ng international action ay nakakatulong sa kakayahan ng mga komunidad na maka-access at mag-manage ng water resources at ito ay makakadulot ng iba’t ibang benepisyo sa araw-araw nilang pamumuhay. Kami ay nagpapasalamat sa initiative na ito at sa mga partner na bahagi ng proyekto.”
Wika ni H.E. Ólafur Grímsson, Chair ng Zayed Sustainability Prize Jury and dating pangulo ng Republika ng Iceland, “Ipinapakita ng pinakabagong proyekto ng Beyond2020 sa Pilipinas ang kabutihang maidudulot ng isang innovative solution ng ating global community ng winners at finalists at ang pagsiyasat sa long-term capacity nito para sa mga beneficiaries. Ipinapakita din ng proyektong ito ang kakayahan ng kolaborasyon, dahil napabuti na ng Prize at ng mga partner nito ang mga komunidad sa 10 bansa, at magkakaroon pa ng iba’t ibang deployment sa 2022.”
Bukod sa pagdadala ng malinis na tubig para sa pag-inom at para sa sanitasyon, ang carbon-neutral technology ay nagbibigay din ng pagkakataon sa mga residente na magkaroon ng water-related livelihood tulad ng vegetable garden, aquaculture, at livestock breeding, habang iniiwasan ang waterborne diseases dulot ng maduming tubig. Bukod pa rito, mayroon ding access to improved hygiene, dala ng kahalagahan ng paghugas ng kamay upang labanan ang pagkalat ng COVID-19, na isang mahalagang isyu para sa mga komunidad.
Sampung deployment na ang naipatupad ng Beyond2020 initiative, at mayroong siyam na na kasalukuyang ginagawa. Ang mga natapos na proyekto ay ukol sa vital energy, health, water, at food-related solutions sa Nepal, Tanzania, Uganda, Jordan, Egypt, Cambodia, Madagascar, Indonesia, Bangladesh, at dito sa Pilipinas.
Binubuo ang Beyond2020 ng iba’t ibang partners tulad ng Abu Dhabi Fund for Development, Mubadala Petroleum at Masdar.