Hosam M. Al-Gharib
Inanunsyo ng Aramco Digital at Intel ang layunin nilang itatag ang kauna-unahang Open RAN (Radio Access Network) Development Center sa Saudi Arabia. Inaasahan ang pasilidad na magdala ng inobasyon, magtaguyod ng mga pagpapaigi sa teknolohiya, at mag-ambag sa paggamit ng mga industriya ng iba't ibang teknolohiya sa Kaharian.
Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, nilalayong mapabilis ang pagbuo at pag-deploy ng mga teknolohiya ng Open RAN na makakatulong sa Kaharian na magtayo ng matatag at tumutugong imprastrakturang pantelekomunikasyon na nakatuon sa pagpapabilis ng paglipat sa digital ng iba't ibang industriya. Layunin din sa pagtutulungang ito na makaayon sa Vision 2030 ng Saudi Arabia na nakatuon sa mga pagpapaigi sa teknolohiya at pagdadala ng dibersidad sa ekonomiya.
Isang patuloy na nagbabagong modelo sa arkitektura ng wireless network ang Open RAN na nagbibigay-daan sa higit na pleksibilidad, kakayahang magpalitan ng impormasyon ng mga sistema, at inobasyon. Dala ng Aramco Digital ang malalim na pag-unawa sa mga pangangailangan at ambisyon sa pagpapaunlad ng Kaharian at mga oportunidad sa pag-deploy ng teknolohiya ng Open RAN, at mayroon din itong natatanging pananaw sa kalagayan ng ekonomiya sa Kaharian. Dala naman sa pagtutulungan ng Intel na isang pioneer sa teknolohiya ng computing at komunikasyon ang kadalubhasaan nito sa mga teknolohiya ng Open RAN.
Mga highlight ng pagtutulungan:
1. **Sentro ng Inobasyon:** Nilalayon ng Open RAN Development Center na magsilbing sentro ng inobasyon kung saan makakapagtulungan ang mga engineer, mananaliksik, at eksperto sa industriya ng Aramco Digital at Intel.
2. **Paglinang sa Lokal na Talento:** Nilalayon ng Center na makaambag sa paglinang ng lokal na talento sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay at praktikal na karanasan sa mabilis na nagbabagong larangan ng teknolohiya ng Open RAN at Edge computing.
3. **Epekto sa Ekonomiya:** Nilalayon ng pagtutulungan na makatulong sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng mga inisyatibang nakasalalay sa teknolohiya na nakaayon sa mas malalawak na target sa Vision 2030.
4. **Pandaigdigang Pagtutulungan:** Inaasahang hindi lang sa loob ng bansa ang magiging pagtutulungan ng Aramco Digital at Intel para sa Open RAN, at iuugnay nito ang Saudi Arabia sa pagbuo at pag-deploy ng Open RAN at Edge sa iba't ibang panig ng mundo.
Ayon sa CEO ng Aramco Digital na si Tareq Amin: "Ang pagtutulungang ito ay patunay ng pangako naming tumulong sa pagdadala ng inobasyon sa Kaharian. Inaasahang magbubunsod ng pagbabagong digital ang Open RAN Development Center na magbibigay ng platform para sa pagtutulungan, paglinang ng kasanayan, at paggawa ng masiglang ecosystem ng teknolohiya. Nasa sentro ng pagtutulungang ito ang paggawa ng maiinam na mapagpipiliang lokal na kakayahan para sa mga advanced na teknolohiyang 5G at, sa hinaharap, 6G.”
"Nalulugod kaming makipagtulungan sa Aramco Digital para sa Open RAN at pagsanibin ang kahusayang teknolohikal ng Intel sa network at edge computing at software at ang mga lokal na kaalaman at pangunguna sa industriya ng Aramco Digital. Nilalayon namin sa pagkakaisang ito na mapabilis ang pag-deploy ng native sa edge na mga solusyon sa Open RAN sa loob at labas ng Saudi Arabia," sabi ni [Sachin Katti, senior vice president ng Intel at general manager ng Network and Edge Group].
Ayon sa plano, magsisimula ang operasyon ng Open RAN Development Center sa 2024 na isang milestone sa progreso ng Saudi Arabia para sa hinaharap na gumagamit ng makabagong teknolohiya.
Tungkol sa Aramco Digital:
Aramco Digital ang subsidiary para sa digital at teknolohiya ng Aramco, isang pandaigdigang kompanya ng integrated na enerhiya at kemikal. Nilalayon ng Aramco Digital na makatulong na isulong ang paglipat sa digital at inobasyon sa teknolohiya sa iba't ibang sektor.
Tungkol sa Intel:
Isa ang Intel (NASDAQ: INTC) sa mga nangunguna sa buong mundo sa inobasyon sa computing. Dinidisenyo at binubuo ng kompanya ang mahahalagang teknolohiya na nagsisilbing pundasyon ng mga aparato sa computing sa iba't ibang panig ng mundo.
Hosam M. Al-Gharib